GAME 2

10/25/2013

0 Comments

 
Prologue

Ang buhay ng tao ay parang isang laro.

May nandadaya

May nadadaya

May malakas

May mahina

May nananalo

May natatalo

Pero sa huli, ang resulta ay laging TABLA.

The Corrs: Game of Life Part 2

"Alam mo! Isa ka talagang mangkukulam sa buhay ko!"-Aedan

"Pwes kung ganun! Isa ka namang...Isa kang...Ah basta! Isa kang garapal na lalaki!"-Eris

Introduction

Date: July 9, 2015 ; Wednesday

Time: 5:45 PM

*Dung! Dung*

Tiningnan ko yung tumatawag sa phone ko.

Karl Oppa Calling...

"Yobeoseyo!"

"Where are you?" Grabe talaga 'tong si kuya. Hindi uso ang Hi o Hello. =__=

"On the way na. 6:00 pm pa naman ang simula."

"It's already 5:45 pm. You need to prepare for the game."

"No need to prepare. I'm always ready." Sabi ko na super lakas ang bilib sa sarili. 28 wins. 2 Draws. No lose. Magaling ako eh.

"Okay."

*Toot tooot* =___=+++

"Aish! Bastos talaga!"

Pinaharurot ko na yung sasakyan ko, mahirap na pag traffic ang kalaban. :D

---

Dumating na ako sa gate ng isang stadium kung saan may dalwang lalaki sa harapan. Pumunta yung isa sa may bintana ko. Ibinaba ko naman 'to.

"Eris Akia Corrs." Sabi ko ng nakangiti sa kanya

"Okay ma'am!" Sinenyasan naman niya yung isa niyang kasama para buksan yung gate.

Ipinasok ko na yung sasakyan. Pagpasok na pagpasok mo pa lang, maririnig mo na yung sigawan ng mga tao.

Time Check: 5:52 pm

Idineretso ko na yung sasakyan sa starting line. Sa kaliwa ko, makikita ang isang *car*. OH MY! Ang ganda! *0* I want that car. :D

*Tok Tok*

Nilingon ko naman yung kumakatok sa passenger seat. Si kuya karl! Binuksan ko yung pinto at pumasok siya. May inabot siyang papel sa akin.

"Ano 'to." Sabay kuha nung papel. "Prince Aedan Smith?"

"Your challenger. No lose. No Draw----"

"WHAT! So mag----"

"No win. For short, he's a beginner in this field." Sabi ni kuya habang nakatingin lang sa harapan.

"Ah! Medyo kinabahan naman ako dun sa mga no lose ek-ek mo! Well, mukhang alam ko na ang kalalabasan ng game na ito. Mwahahaha!"

"Yeah, He's a beginner, but don't take him easily. He's a member from one of the top 10 clans." Napatingin naman ako kay kuya sa sinabi niya.

"What clan?"

"No need for you to know." Sabay gulo sa buhok ko.

"Aish! Kuya naman! My Hair!"

"hahaha. Ge galingan mo." At lumabas na siya sa sasakyan.

Nilingon ko naman yung katabing sasakyan. Gwapo kaya yung driver? hmm. Super tinted naman kasi ng bintana. Nakakainis naman si kuya. Pangalan lang at kung anong ka-ek-ekan na info ang nakalagay sa papel. Wala man lang 2 by 2 picture. Well, patas lang. Hindi din naman niya kita ang gorgeous face ko because tinted din yung salamin ng bintana ko. HIHIHIHI! :D Suspense effect.

Game 1

Eris' View

"Okay! Settle down people! I know you're excited for the another underground race car battle!" Sabi nung MC.

"Woooooh!" Sigaw naman ng mga tao.

Okay! This is it! Kaya mo to Eris! Maganda ka at magaling ka. Tandaan mo yan. :D

"Okay! Calm down people! Hahaha! I just wanna give some information for those who are new in this field. Underground Race Car Battle is a game where pride is the most precious prize that you could ever have, plus the car of the losing opponent and the money . Contestants of this game are from different clan... And for the contestant, you just need to complete the 2 laps... So i think, everyone is ready. Let the Game Begin."

So alam niyo na kung anong meron sa game na ito? Kung gusto niyo pa ng ibang info. Kay author na lang kaya magtanong. Medyo Busy ako ngayon as you can see. ^__^

Hinanda ko na ang sarili ko pati ang baby ko. (my car) :D

I started the engine.

Pumunta na sa harapan ng sasakyan namin yung *may hawak ng flag*

Ready...

Brooom

Set...

Broooooooom

Go...

*Zooooooooooooooooooom*

-----

Lumabas na ako ng sasakyan ko. Rinig na rinig ko ang sigawan ng mga tao.

"Eris! Eris! Eris!"

Ang sarap talagang manalo. Mwahahahaha :D

May tumapik sa balikat ko, nilingon ko naman siya.

"Oppa! I win!" Sabi ko ng super lapad ang ngiti.

"Yeah, I already know." Sabay gulo niya sa buhok ko.

"Aish! Ano ba! My hair!" Inayos ko naman yung buhok ko.

Tumingin naman siya sa direksyon nung kalaban ko.

"I think it's your time to get your prize."

Lumingon naman ako sa kanila. TSK TSK TSK! Kitang kita ko sa gwapong mukha ng kalaban ko ang pagkadismaya at inis. Well, kahit gwapo natatalo. :D

"Here." Hinagis ko yung susi ng baby ko kay kuya. "You can use my baby, but please! Handle him with care."

"Yeah sure." :)

Pumunta na ako sa direksyon ng kalaban ko. Pakinig na pakinig ko ang pagtatalo nila ng kaibigan niya.

"Kasalanan niyo 'tong dalwa. Asar!" Sabi nung Aedan

"Kasi naman leader! Dapat ako na lang ang pinagdriver mo, paniguradong kakain ng alikabok yung kalaban mo." Sabi naman nung black hair. As if kaya mo :P

"Wag mo siyang pansinin aedan. Yaan mo na, bago ka pa lang naman. Hindi pa yan gaanong nakakahiya. Hahaha......" Sabi nung Blonde,

Natigil naman sila sa pag-uusap  nila ng dumating ako. Binigyan ko sila ng aking winning smile! :D At nilahad ang palad ko sa harapan nung Aedan.

Tiningnan naman niya ako ng may halong pagtataka. Tapos parang narealize na niya kung bakit ko iyon ginagawa.

"Aaah. Sorry miss, pero wala akong barya. Pati, bawal ang pulubi dito." sabi niya

=___=+++ Ano daw? Pulubi? Ako? Sa ganda kong to? Goodness!

"Okay, iisipin ko na lang na hindi mo 'yon sinabi. Akin na yung susi." Bwisit na 'to!

"Susi? Para saan?"

"Like duh! Kasi ako yung nanalo! So as my prize you need to give me your damn keys to have your damn car. You BABO!" Grabe! Nakakainit ng dugo ang lalaking 'to.

"What? Nanalo? IKAW?! HAHAHAHA! Patawa ka din eh. Paano mangyayari yun?"

"What do you mean?" Sabi ko ng nakapamewang. Nangalay yung kamay ko eh. XD

"Paano mo naabot ang clutch sa ikli ng legs mong yan. BWAHAHAHAHAHA!"

SAY WHAT?!

Nakisama pa sa pagtawa yung dalwang kasama niya. Aish! Kung ano yung kinagwapo ng mukha nila, yun naman ang ikinasama ng ugali nila. Goodness!

"Anong problema?" Natigil naman sila sa pagtawa ng dumating si kuya karl. Napansin ko naman ang pagbabago ng expression ni Aedan ng makita niya si kuya. Whatever! Wala akong pakielam sa expression niya.

"Ayaw kasing ibigay ng talunan na 'yan yung su----ARAY!" Hambog na iyon! Ibato ba naman sa akin yung susi.

"Alagaan mo ang sasakyan ko, babawiin ko siya sayo."

Tuluyan ng umalis yung tatlo pero bago umalis yung Aedan tiningnan muna niya si kuya.

Weird!

"You know him?"

"I told you, he is a member from one of those Top 10 Clans."

"Aahh. I see!"

Well, i don't care kung magkakilala man sila o hindi. Bast i have my new car. Mwahahahahaha!

Game 2

Date: July 14, 2015; Monday

Time: 9:36 AM

Aedan’s View

“Ano bang ginagawa natin dito sa school na ‘to?” Tanong ni Brae ng makababa kami ng sasakyan niya.

“Hahanapin ko yung mangkukulam na may ari ng school na ‘to.”

“Mangkukulam? Hogwarts lang?” Sabi naman ni Clix habang nagpapacute sa mga babae sa school na ‘to.

“Tch! Ewan ko sa ‘yo! Tulungan niyo na lang akong hanapin ang pandak na ‘yon.” Nagsimula na akong magtingin tingin sa mga tao dito sa school.

“Kanina mangkukulam? Ngayon pandak naman. Seryoso? Tao ba ‘tong hinahanap natin.” Binigyan ko ng masamang tingin si Clix.

“Nagbibiro lang. Hehehe. Tara na nga maghanap.”

Napapa-isip ako kung tama bang gawing kaibigan ang mga ‘to.

“Alam ko na para mapadali ang paghahanap natin sa kanya. Magtanong tanong tayo sa mga tao dito.” Sabay turo ni Brae sa mga taong nadaan.

“Naks! Ang talino mo Bro! Hahaha.”-Clix

“Ikaw lang naman ang bobo sa ating tatlo.” –Brae :D

=___=+++ Clix

“Tama na yan! Magsimula na tayong magtanong. Dapat kung magtatanong tayo ay sa mga HS, base sa pagkaka-alam ko, may bait ang mga ganyang estudyante.” Sabi ko habang naghahanap ng High School student.

“Bro ayun oh! Mukhang nerd! Pustahan tayo mabait yun.” Tinuro ni Clix yung babae na naglalaptop sa isang table sa may puno.

“Sige. Tara doon.”

Umupo kaming tatlo sa harapan nung HS student.

-HS Student-

---MESA---

-Brae-Clix-Ako

Pero hindi man lang kami tiningnan nung babae.

“Hi! Pwedeng magtanong?” Brae :)

*dedma*

“Excuse me miss.” Ako =_=

*Dedma*

“Bata pwede magtanong?” Clix :D

*Dedma*

=___= +++ Ibang klase din ‘to. Hindi man lang kami tiningnan.

*BOINK*

Biglang sinara ni Clix yung laptop.  Humarap sa amin yung babae at tiningnan kami isa-isa.

“Huh!” Tumingin siya sa gilid niya sabay harap uli sa amin. “Hindi ba kayo tinuruan ng mga magulang niyo ng kagandahang asal.”

“Hoy! Baka ikaw ang hindi tinuruan! Kanina pa kaming nakikipag-usap sayo, hindi mo man lang kami tinitingnan.” Patulan ba daw ang bata. Si Clix talaga. =__=

“Huh! Bastos na nga, isip bata pa. Tsk Tsk.” Sabi nung babae na may pailing iling pa.

*Boogsh* Tumayo si Clix sa kinauupuan niya.

“Anong sabi mo?”

“Clix wag mo ng patulan.” Pagpipigil ko sa kanya.

“Isip bata na nga, bingi pa.”

“Aba’t-----*BOOOOGSH*”

O___O Itsura naming tatlo ng biglang siyang tumayo na may kasama pang paghampas sa mesa.

“Oh ano? Papalag ka pa?...HMPH!” Sabay kuha ng laptop niya at umalis na siya.

Napabalik na lang sa pag-upo si Clix.

“Aedan, ano nga yung sinabi mo about HS student?” tanong ni brae ng natatawa

“Wala. Binabawi ko na.” Mas malala pa pala sila.

Napailing na lang kami sa nangyari.

“Change of plan. Hanapin na lang natin siya.” -Brae

“Mabuti pa nga.” -Ako

Tumayo na kami at nagsimulang maglakad para hanapin yung mangkukulam.

“Wait!” Napatigil kami sa paglalakad at nilingon yung nagsalita.

“Aedan? I knew it! Ikaw nga yan! I thought namalikmata lang ako.” Tapos lumapit siya sa amin.

“Clynt! Hey long time no see.” -ako

“Uy chicks!” -clix

“Eto nanaman si mr. player. Sus” -Brae

“What are you doing here?” Tanong niya

“We’re looking for someone.... And I think you can help us.”

“Huh?” Napansin ko kasing dito siya nag-aaral dahil ng uniform.

“You know Eris Akia Corrs?”

“Eris…Akia Corrs. Hmm. Yeah. Why?”

Patay ka ngayon sa akin. Magkikita din tayo pandak.

*Smirk*

Game 3

Date: July 14, 2015; Monday

Time: 2:22 PM

Eris’ View

Starting engine…

*Brooom…Broooooom…Brooooooooooooom.”

“Oh yeah! Im done!” At ni-off ko na yung makina. Tapos ko na din gawin yung kotse niya. Pera din 'to :D

Matawagan na si Tito Hades para matigil na yung pangungulit niya about sa sasakyan niya.

*Dung Dung*

Ajjushi Hades calling…

Speaking of the monster. :D

“Yo----“

“Kotse ko?” =__=+++ Kung bastos si Karl Oppa mas bastos si Ajjushi!

“Tapos na---“

“Okay. *Toot tooot*” =__=+++++

“Ay grabe! Ang bastos! Saan ba nagmana ang mga ‘to! Aaaish!”

Lumabas na ako ng kotse ni ajjushi bago pa may magawa akong hindi maganda. Ibinalik ko na din yung mga gamit sa toolbox.

“Yow!” Napatingin naman ako sa may gate. Isang lalaki na nakangiting aso ang pumasok sa gate.

"Woah! Ang bilis mo naman? Tinakbo mo?" Ang bilis niya ah! Ibang klase di 'to.

"Nope. Sadyang papunta talaga ako dito." Sabi niya tapos napabaling naman yung tingin niya sa kotse niya.

“Shit! Asawa ko!” Sabi ni Tito hades at tumakbo sa kotse niya sabay yakap.

=__= Baliw lang.

“Ay! Dapat kinukunan ka ng picture at ipakalat sa mga fans mo. Nakaka-turn off itsura mo.” Sabi ko habang patuloy ang pag-aayos ng mga gamit.

“Hindi mo lang talaga alam ang pakiramdam na malayo sa taong mahal mo.”

=__= May sapak na talaga siya.

*Boink*

“Aray ko naman! Bakit mo ako binato ng susi?” Sabi niya habang tinitingnan ako ng masama.

“Para magising ka sa kahibangan mo Tito Hades.” Napapailing na lang talaga ako.

“Ewan ko sayo.”

Natapos ko ng ligpitin yung mga gamit ko, kaya naupo muna ako sa bench. Nakakapagod kaya mag-ayos ng kotse. Try nyo!

Umupo naman sa tabi ko si Tito Hades.

“Bago?” Nakaturo siya dun sa kotseng nakuha ko kay Mr. Hambog a.k.a. Aedan.

“Yep! My prize!” Sabi ko ng nakangiti. Syempre! Proud ako! :D Pinagpaguran ko yan.

“Nabalitaan ko nga kay Karl. Nakalaban mo daw yung Aedan.” Tumango naman ako at tiningnan  siya ng may pagtataka. Iba kasi yung tono niya nung banggitin ang pangalan ni Mr. Hambog.

Napansin niya naman yung tingin ko. Ngumiti lang siya tapos tumayo na . “Ge una na ako…At nga pala. Stay away from him.” Nagpunta na siya sa kotse at pinaharurot na niya 'to.

Okay? What’s with that Aedan Guy? Sinabihan din ako ni kuya Karl na ‘Stay away from him.’ Mga Weirdo----

“Ay teka! Yung bayad! Aish! Hindi ako binayaran ng matandang hukluban na iyon!”

=___=+++ Yung pera ko!

---

Date: July 16, 2015; Wednesday

Time: 7:00 AM

To: Xander <3

Hon! Pwede ka ba this Friday?

Message Sent...

Nung Monday pa hindi nagpaparamdam ang lalakin yun ah. -0- Kahit hindi ko naman mahal yung taong yun, I do care for him :D Mabait kasi siya.

*Beep*

From: Xander

Sorry hon hindi. I have something to do.

O-KAY? First Time! First Time akong tinanggihan ng kumag na 'yon! I smell something na hindi maganda. Whatever! Ako na lang ang pupunta sa opening ng Shop ng mga baby ko. :D

Lumabas na ako ng bahay ko at nagpunta sa new car ko. Its time para irampa ang bago kong sasakyan. Siya muna ang gagamitin ko. :D

Time: 7:23 AM

Kararating ko lang sa Parking Area ng Maseksing School Ko :D Pinatay ko na ang makina at lumabas sa kotse ko. Grabe! Two days lang akong hindi pumasok wala man lang nagbago sa school ko. -0-

Nagsimula na akong maglakad papunta sa building ko ng may napansin akong lalaking papunta sa direksyon ko. Tumigil siya sa harapan ko.

Tiningnan ko naman siya mula ulo hanggang paa. Pamilyar yung mukha niya. Tinitigan ko nga para maalala ko. Saan ko ba 'to nakita?

"Are you done checking me out?" He said, grinning at me.

=___=+++

Si Mr. Hambog. Kaya pala pamilyar!

"Asa ka naman! Problema ma mo Mr. Talunan?" Sabay irap ko sa kanya.

"Hoy pandak! Wag mo ngang gamitin ang sasakyan ko." Ano daw? Pandak! Ako? =__=+++

"Hoy Talunan! Hindi ako pandak! Cute lang ang height ko! And Excuse you? Sasakyan mo? The last time I remember sasakyan ko na 'to simula nung natalo kita sa race." Binigyan ko na man siya ng mapang-asar na ngiti.

(^_^)---(~~,)

Tiningnan niya ako ng masama.

"Magpakasaya ka lang pandak. Magkikita uli tayo at sisiguraduhin kong babawiin ko ang sasakyan ko at pagsisilbihan mo ako." Nginitian muna niya ako saka umalis.

As if kaya niya. At ano daw? Pagsisilbihan ko siya? Asa siya!

Game 4

Date: July 18, 2015 ; Friday

Time: 2:12 PM

"Mom! Pupunta ka ba dito sa opening ng cafe namin?" Tanong ni Yuri mula sa kabilang linya.

"Yeah baby. Naglalakad na nga ako sa may Parking Area to get my car. I will help you for your opening." Nakarating na ako doon sa pinagpark-ingan ko.

"Okay mom! Thank you! Ingat."

"Sure baby!" Pinatay ko na yung phone at pumasok sa loob ng kotse.

Yung Cafe na sinasabi nila ay yung Daebak Cafe na malapit sa Maseksing School ko. Nasabi kasi nila na gusto nilang bilhin yung ChocoAddict Cafe kaso ayaw naman ibenta nung owner kaya nagpatayo na lang sila ng sarili nilang cafe sa tapat. See? Mana sa akin ang mga anak ko. Habang bata pa, negosyante na. :D

I-istart ko na sana yung kotse ng magring yung phone ko.

*Dung Dung*

Momskie Calling...

"Hmmm. Bakit kaya?" Sinagot ko na yung tawag ni momskie.

"Come to my office now.*toot tooot*"

=____=+++ Seryoso? Nasaan na hustisya ng kagandahang asal!

"Grabe talaga!" Napapailing na lang ako sa sarili ko.

Bago ako dumeretso sa office ni momskie, nitext ko muna si yuri.

To: Yuri

Baby, medyo malelate ako. Baka hindi na rin ako makatulong sa preparations nyo. May emergency call from mom. See you later. Fighting! :D

Message Sent

---

*ting*

Lumabas na ako ng elevator at nagtungo na sa office ni momskie.

*Bukas ng pinto*

"Hi momskie!" Binigyan naman niya ako ng masamang tingin.

Naglakad na ako sa may mesa niya.

"Hindi ka ba tinuruan ng mga anak mo ng kagandahang asal?" Tanong ni momskie sabay balik ng tingin sa laptop niya.

"Seriously! Ikaw dapat ang nagtuturo nun sa akin." At umupo na ako sa may upuan sa harap ng mesa niya.

"I don't have time. Busy ako."

"As always...So ano bang meron?" May kinuha naman siya sa drawer niya na isang envelope at inabot sa akin.

"Para saan 'to?" Kinuha ko naman yung envelope at binasa kung kanino galing.

Clix Stewart.

"For your next game. Nakalagay na diyan ang mga conditions. Basahin mo na lang."

"Aahh! Okay! By the way mom, aatend ka ba sa opening ng cafe ng babies ko?" Tanong ko sa kanya.

"No. Busy ako. Nagsabi na din naman ako sa kanila." Sabi niya ng hindi man lang ako nililingon.

Grabe talaga to. Siya dapat yung tinuturuan ng kagandahang asal. =0=

"Okay then! Gotta go mom. Bye!"

"Ge bye." Tumayo na ako at umalis sa office niya.

Nakakastress ang pamilya ko. Ako na lang ata ang normal sa amin. Mwahahahaha! :D

---

I'm on my way na sa parking lot ng may napansin ang maseksing eyes ko.

"What the? Totoo ba 'tong nakikita ko? Ang manlolokong 'yon!"

Nakita ko kasi ang soon-to-be-ex-boyfriend ko na may kaholdings! At nagtatawanan pa.

"Humanda ka sa aking manloloko ka! Lintik lang ang walang ganti." Pumunta ako sa kanila at tumigil sa harapan nila.

Nakita ko naman ang pagkabigla sa mukha ni Xander. Nidedma ko siya at tiningnan yung kasama n'yang babae. Maganda? Maputi? Pareho lang kami ng pinagkuhanan ng magandang lahi. Lamang lang siya ng ilang inch sa akin. Pero wala akong pake sa kanya. Tiningnan ko uli si xander.

"E-eris... Let me explain." Sabi ni Xander na mukhang hindi alam ang gagawin.

"You know him babe?" Maarteng tanong nung babae sabay kapit sa braso ni Xander.

Aish! Talk to my hands!

*PAAAK*

"Oh my god! Xander!"

Tama kayo! Sinampal ko nga si Mr. Manloloko. Kitang kita sa mukha niya ang marka ng palad ko. Suits him right!

"Break na tayo Mr. Lee!" Bago ako umalis ay inirapan ko muna sila.

Nakakapanggigil! GRRR! Magsama sila!

Don't me wrong guys! Hindi ako nagagalit dahil mahal ko si Xander. Naiinis lang ako dahil hindi na naman ako kailangang lokohin, kung ayaw na niya sa relationship namin papayag naman akong makipagbreak. Hindi ako takot mawalan ng boyfriend, sa ganda ko 'tong. Ang ayaw ko lang talaga sa lahat ay yung niloloko.

Game 5

Aedan's View

Date: July 19, 2015; Saturday

Time: 9:16 AM

From: Clynt

Aedan! Guess what? Game 1, Completed! ;)

'yan na siguro ang pinaka magandang balitang natanggap ko sa araw na 'to. Sayang, hindi ko man lang nakita ang reaction nung pandak na 'yon. ;)

*Bukas ng pinto*

"Yow hyung! What's Up!" Sabi ni Clix ng makapasok sa kwarto ko. Ang taas talaga ng energy ng lalaking 'to.

"Bro! Mukhang ang saya natin. Anong balita?" Tanong naman ni Brae ng makaupo siya couch.

Nginitian ko muna sila at tumingin sa laptop ko.

"Game 1, Completed." Sabi ko habang nakatitig sa laptop ko kung saan nakabukas ang site tungkol sa pamilya ni pandak.

"Naks! Ang galing ni Clynt! Hindi ko inaasahan na ganung kabilis mangyayari 'yon." Sabi ni Brae

"Magaling talaga siya."

"Pero mas matutuwa ka pa sa ibabalita namin." Napatingin naman ako kay Clix. Nag-apir sila ni Brae. "Game 2, Completed! The Next Underground Race Car Battle is settled."

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Nice! So nasa Game 3 na tayo. Humanda ka Eris Akia Corrs! Lalo ka na Karl Etinne Corrs..."

Hindi na ako makapaghintay matapos ang larong 'to. Dahil alam ko sa huli, ako pa rin ang panalo.

Eris' View

Date: July 21, 2015

Time: 10:30

Natapos din ang napakaboring na klase! =0= Grabe! Wala din naman akong naintindihan.

Inayos ko na yung gamit ko at lumabas ng room. Wala na akong sunod na klase.

So baka nagtataka kayo kung anong nangyari sa akin noong mga nakaraang araw. After nung napakanakakastress na break-up ko kay Xander manloloko, dumiretso na ako sa Cafe ng mga anak ko. At simula noon, tinanggal ko na sa memory ko si Xander L-- Ano nga apelyido nun? Nakalimutan ko na. XD Naging maayos naman ang opening nung Cafe nila. Tapos nung weekend naman, sinugod ko si Tito hades sa school nila. (may pasok kasi siya, kaya dun ko siya hinanap XD) Syempre! Kukunin ko ang bayad ko. Pero pahirapan pa bago ko makuha yung bayad. TSK!

Maseksing Flashback :D

"Nasaan kaya ang matandaang hukluban na 'yon. Alam kong dito lang siya nagsuot eh."

Walangyang 'yon, nung tinawag ko ang pangalan niya, bigla ba naman akong tinakbuhan. So syempre, hinabol ko naman siya. May lahing kabayo ata yung lalaking yun kaya hindi ko naabutan. Napadpad pa ako dito sa may Devcom.

=___=+++

Naglalakad ako sa hallway ng may lumabas na babae mula sa Audio Visual Room.

Baka nakita nito si tito hades.

Kinulbit ko yung babae.

"Ay duwende!"

=___=+++ Loko 'to ah.

"sshh! Pwede magtanong?" Tiningnan ko naman yung babae. Parang hindi siya mapakali.

"Ha? Eh! Sige! Ano ba 'yun?" Tinititigan ko s'ya pero iniiwas niya lang yung mata niya.

"Nakita mo ba si Oliver Hades?" Tanong ko.

"Ha? Si Hades? Hindi eh. Hindi ata s'ya pumasok."

Gotcha!

Tinabig ko s'ya at pumasok sa AVR.

"Uy! Wala siya d'yan! Promise!" Pagpipigil niya sa akin.

"Pwede ba? Nahuli na nga kita. Itatanggi mo pa." Sabay irap sa kanya.

"Lagot." Bulong niya sa likod ko.

"Yah! Oliver Hades! Lumabas ka na! Alam kong nandito ka lang!"

Nakita ko naman na lumabas si Tito Hades mula sa ilalim ng isang mesa.

"He-he-he. Ang galing mong maghanap." Sabi niya habang nagkakamot ng ulo, papapunta sa amin.

Napailing na lang ako.

"Tss! Panis mo din eh." Sabi niya dun sa babae sa likod ko ng makarating sa pwesto namin.

"Mamaya mo na s'ya pagalitan. Bayad ko muna." Sabay lahad ng palad ko sa kanya.

"Aish! Oo na!" Dumukat siya ng pera sa wallet niya at patabog na binigay sa akin yung pera. "Mana ka sa nanay mo."

"Whatever! :P" Itinago ko na yung pera. "Bye! Salamat Oliver Hades!" Nilingon ko naman yung babae. "Salamat din miss." Tumango lang siya sa akin.

End ng Maseksing Flashback

So ganun nga yung nangyari---

"Aray! Ano ba?!"

"Ay! Sorry po! Sorry po talaga." Tapos tumakbo na uli yung nakabangga sa akin.

=___=+++ Nakakaasar talaga ang mga ganung tao. Ang hilig magmadali, hindi ba nila alam na sa pagmamadali nila, maaaring meron silang mabangga. Pektusan ko sila eh! =0=

Nakalabas na ako ng building ko ng may napansin akong malaking tumpok ng mga estudyante.

"Ano naman kayang meron?" At dahil may pagkachismosa din ako, nakesyoso ako. Nagpunta ako dun sa tumpok ng mga estudyante.

Kinulbit ko yung isang estudyante. "Excuse me? Dadaan ako." Sabay taas ng kilay

"Hehehe. Okay po." Sa isang iglap nagkaroon ng way para makadaan ako.

Wala eh? Maganda ako. ;)

Tiningnan ko naman yung pinagkakaguluhan nila.

Isa lang namang lalaking na ka-shades na nakasandal sa *car name*. Tsk tsk! Kitang kita sa muka niya na gusto niya ang mga attention na binibigay sa kanya ng mga babae dito. Pwes! Dahil ako ang may-ari ng maseksing school na ito, ako mismo ang titigil sa kaguluhang ito.

Pinuntuhan ko 'yong lalaki.

Nang makarating ako sa pwesto niya, tumingin siya agad sa akin at nginitian ako. Tinitigan ko naman siya. Hindi ko siya mamukhaan dahil nung shades niya.

Napansin naman niyang nakatingin lang ako sa kanya.

Tumawa s'ya sabay sabing "Ang bilis mo namang makalimut." sabay alis ng shades niya.

O__O

"Ikaw!" Sabi ko with matching pagturo sa kanya.

Tumango tango naman siya.

"Anong ginagawa ng talunang katulad mo sa school ko." Tanong ko sa kanya.

Bigla niyang hinila yung kamay ko kaya napalapit ako sa kanya. (Take Note! Simula nung dumating ako hindi s'ya umalis sa pagkakasandal niya sa kotse niya.)

"Oh Em!" Rinig ko namang sabi nung mga estudyante sa paligid.

"Y-yah!" Siomai! Mga 7 inches lang ang layo ng mukha ko sa mukha niya. At ramdam ko, namumula na ngayon ang mukha ko.

Seryoso ang mga mata niya habang nakatitig sa mata ko. Grabe Lord! Kahit alam kong hambog ang lalaking 'to, Gwapo po siya! Ang bango pa!

Ay grabe Eris! Ano ba 'yang iniisip mo!

Nabalik lang ako sa katinuan ng magsalita siya.

"Wag ka masyadong mayabang, baka sa mga susunod na araw nagmamakaawa ka na sa akin." Sabay ngiti niya.

Ay? May split personality? At ano daw? Ako magmamaka-awa. ASA------

*Tsup*

O________________O

"Oh my Gee!" -Estudyante

"Sige, kita na lang tayo bukas pandak." Sumakay na siya sa kotse at umalis.

After 10 seconds bago ko narealize yung nangyari.

Hi-hinalikan niya ako! WHAT THE! YUNG LALAKING YUN! WALANGHIYA! ARGH!

"Aish! Bwisit! Bwisit! Patay talaga sa akin yung lalaking 'yon! GRRRRR!" Sabi ko.

Habang nagmamaktol ako dito sa gitna napansin kong nakapalibot pa rin yung mga estudyante. Tiningnan ko sila ng masama.

"So gusto niyo talaga akong panuodin?...ALIS!" Dali dali naman silang umalis.

Ang lakas din ng apog ng lalaking yun na halikan ako sa pisngi. Sa mismong school ko pa! Talaga namang! AAAIIISHHH!

Game 6

Date: July 22, 2015; Tuesday

"AAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!...Huh! Huh!" Napabaligwas naman ako sa kama dahil sa masamang panaginip!

"AAAAAAAHHHHH! Leche! Lecheeeeeeeeeeeeee!" 'yon na siguro ang pinakanakakatakot at nakakadiring panaginip ko sa buong buhay ko! Grabe! Bangungot!

Kung itatanong n'yo kung tungkol saan ang panaginip ko. Ito lang naman, hahalikan ako nung Aedan! Leche talaga! Buti na lang nagising ako! Kung hindi! Nako!

"Dahil siguro 'yon sa nangyari kahapon, kaya napanaginipan ko 'yon. Aish! Ayoko na!" Sabay takip ng unan!

Bwisit talagang lalaki 'yon! Lakas makadistract!...

Teka anong oras na ba?

Sabay tagtag nung unan sa mukha ko. Kinuha ko yung phone ko sa may side table para tingnan yung oras.

9:56 AM... Late na ako sa klase ko. =__=

Napansin ko naman na may isa akong unread message.

From: Momskie

Ngayon na yung Underground Car Racing. 8 PM at VIP Stadium. Paalala lang.

"What? Ngayon?"

aah! Oo nga pala! May binigay nga pala sa akin si Mom about sa dun sa next game. Hindi ko pa pala nababasa 'yon. Buti na lang pinaalala ni momskie. :D

Tumayo na ako sa kama, at ginawa yung routine ko paggising.

---

Date: July 22, 2015; Tuesday

Time: 2:36 PM

Dahil sa nangyari kahapon at sa panaginip ko, naisipan kong pumunta Cafe ng mga babies ko. Mahirap na baka mabaliw pa ako! Ayoko nga! Dito ko na din naisipang magpatay ng oras habang hinihintay yung game mamayang 8 PM. Tinamad na din kasi akong pumasok. Wag kayong mag-alala, matalino naman ako kaya malakas ang loob ko na mag-absent :D

"Okay Eris! Tagtagin mo na sa isip mo yung Aedan na 'yon lalo na yung ginawa niya sayo." Sabi ko sa sarili ko. "Fighting!"

Lumabas na ako sa kotse ko at pumasok sa Cafe.

Pagpasok ko, napansin kong kokonti lang ang tao. Akala ko ba madami lagi ang tao dito. Ay ewan.

Dumeretso na ako sa counter para mag-order. At nadatnan ko dun si Autumn.

"Hi baby." Nginitian niya lang ako. "Asan mga ate mo?" sabi ko habang nililingon ko yung loob kung saan ginagawa yung mga Cakes at Drinks.

"School." Tipid na sabi niya.

"So, ikaw lang dito?" Tanong ko naman.

"Obviously."

=__=+++ Sabi ko nga.

"Eh bakit ka nandito? Hindi ka na-attend ng class mo?"

"Walang magtatao sa Cafe at boring ang klase. Alam ko na yung tinuturo nila." Sabi niya.

Oo nga naman. Sa apat na magkakapatiid na 'to, si Autumn at si Rain lang yung matalino. Tapos si Yuri at Summer, madiskarte lang kaya ganun.

"Aahh. Eh sana hindi ka na nag-e----"

"Seriously mom, anong pinunta mo dito? As you can see, nagtatrabaho po ako."

=___=+++ At sa apat na magkakapatid, siya lang yung may ugali na ganyan. Namana ata nya yan kay Kuya Karl. Tsk!

"Fine, fine! Cheesecake at Red Tea please?" Sabi ko naman. Kaasar na bata 'to. =0=

"Okay..." Tapos nagpipindot siya dun sa monitor. "85 pesos po." Sabay tingin sa akin.

"Grabe! Magbabayad pa talaga ako?"

"Of course. Walang kamag-anak pag negosyo na ang usapan. Take note, kayo ang nagsabi niyan sa amin."

Gravity! =__=+++

"Sige. Oh!" Inabot ko na yung pera.

"Okay. Dalhin ko na lang po yung order niyo sa table." Pumunta na siya doon sa loob para ayusin yung order ko.

Humanap naman ako ng ma-uupuan at ang napili kong pwesto ay dun sa may gilid. Glass kasi yung wall nila, so kita mo yung mga tao sa labas.

Habang hinihintay ko naman yung order ko, nilabas ko yung laptop ko. May wifi kasi dito, hindi tulad dun sa isa. Nag-log in ako sa Fb ko.

1580 friend request

2 messages

0 notification.

Tama kayo. Walang kwenta ang facebook ko. Hindi naman ako mahilig dito. Games lang ang gusto ko. :D Pero ang pinagtaka ko ay yung friend request ko. Ang dami naman gustong makipag friend sa akin. Tiningnan ko yung list ng friend request ko.

Mga hindi ko naman kilala. Sino ba ang mga 'to? Ni-scroll ko pa para maghanap ng kakilala.

"Teka, pamilyar 'to ah." Ni click ko yung 'Brae Morrison'.

Tiningnan ko yung profile niya. Parang nakita ko na 'tong lalaking 'to. Pinagpatuloy ko lang ang pagtingin sa profile niya hanggang sa may kagulagulantang na picture akong nakita.

May picture siyang ni-share at nakalagay pa na 'Nice'. Yung picture lang naman na 'yon, ay yung nakahalik sa pisngi ko si Aedan. Ang mas malala pa ay nakatag yung FB ni Aedan at nung Clix. Gravity!

"Mom!"

"Ay kabayo! Ano ba naman Autumn!"

"Eto na yung order mo." Nilapag na niya yung cheesecake at red tea sa table ko. Napansin ko namang nakatingin siya sa laptop ko.

Sinarado ko naman bigla. "He-he-he."

Binigyan naman niya ako ng kaduda dudang tingin bago umalis.

"Phew!" Binuksan ko uli yung laptop ko.

Lecheng kumuha ng picture na iyan. Mapapaslang ko talaga! PROMISE!

"Wait! ano 'to?" Tiningnan ko yung page kung saan naka-post yung picture.

"Woah! Sikat pala talaga siya." Nakapost kasi yung picture dun sa fanpage niya. Ang pangalan nung page ' Prince Aedan Smith: Ang gwapong prinsipe'

Seriously! Nakakatawa 'yun! Ibang klase din eh.

Tiningnan ko naman yung comment sa picture. 2638 Likes, 521 Shares at 1586 comments.

"So, pinagpyestahan nila ang picture na 'to ng hindi ko man lang alam. Goodness!" Tiningnan ko naman yung comment.

Hmmm. Maganda pa naman yung comment na nabasa ko. Like 'Bagay sila.' 'Maganda naman si Girl. Sino siya?'. Pero kung may magandang comment, may nakakapang-init ng dugo.

'Sino ba 'yan? Ang chaka!'

'Hindi siya pretty! Hindi siya bagay kay prince!'

'Mangkukulam 'yan! Eto FB niya! www.facebook.com/maseskingwitch"

"Kaya pala madaming friend request! Grrrr! Paslangin ko kayong isa isa eh!" Bago pa ako tuluyang mabwisit umalis na ako dun sa page. Pinuntahan ko yung Fb nung Brae, kasi nga diba naka-tag yung FB ni Aedan. Sisilip lang ako. Hihihi!

"Grabe! Mas walang kwenta fb nito!" Paano ba naman, puro post nung clix at brae lang ang nakalagay sa profile niya. Gay ba sila.

Napansin ko naman yung profile picture niya. Hindi nga maitatanggi ang kagwapuhan ng lalaking 'to. Ang ganda ng mata niya, ang puti niya pa. Siguro kung ordinaryong tao siya at sa normal na pangyayari kami nagkakilala, baka ngayon nililigawan ko na 'to. XD Well, pangit kasi ang pagkikita namin, at masama pa ang ugali niya. Totally Turn OFF! Nagtingin tinging pa ako nung mga fickshur niya.

"Ang gwapo naman niyan."

"Oo nga e--------" O_____________O

Sinarado ko agad yung laptop ko at nilingon yung nagsalita.

"Tito Crius! A-anong ginagawa mo dito? He-he-he!" Nakakahiya! Grabe!

"Bumibisita. Hindi kasi ako naka-attend nung opening." Nginitian niya naman ako. "Sino pala si Prince Aedan Smith?" Binigyan naman niya ako ng nakakalokong tingin.

"ha-ha-ha! Wala ah! Ha-ha-ha!" Pinagpapawisan ako sa ginagawa ko.

"Hmmmm. Sige, sabi mo eh." Nginitian ko na lang siya. Muntik na ako doon ah. Aigooo!

Kinain ko na yung food ko para hindi msyadon awkward. XD

Zach Crius Corrs, sa apat na magkakapatid, sa kanya at kay momskie lang mataas ang respeto. Well, given na yun kay mommy kasi siya yung mataas sa amin. Si tito crius naman, kasi bukod sa gwapo, mayaman at gentleman, matalino siya. 'yon naman ang pinagkait kay tito hades at tito kris. XD

After 2 minutes na katahimikan. Nagsalita si Tito Crius.

"Kilala mo ba si Xander Lee?"

=___=+++

"Hindi. Why?" Remember, kinalimutan ko na siya.

"Wala naman. Sige una na ako." Tumayo na siya, nagpaalam muna siya kay autumn bago tuluyang umalis.

Ano namang meron sa manlolokong 'yun? =0=

---

Date: July 22, 2015; Tuesday

Time: 7:56 PM

Nandito na ako sa VIP stadium kung saan gaganapin yung Undergroun Car Racing. Ang totoo niyan, nandito na ako sa starting line. Nakakalungkot lang kasi wala akong kasama, busy si kuya Karl. =0=

"Woooooh!" Bigla namang nagsigawan ang mga tao nung dumating ang isang *car name*. Napansin ko lang na halos babae yung manunuod? I smell something!

Dumeretso naman yung sasakyan sa starting line. Tiningnan ko yung ketso, hindi ko man lang maaninagan yung driver. Sus! Bahala na siya!

"Okay People! I think ready na ang lahat! So let the game begin!" Pumunta na yung *may hawak ng flag*

Ready...

Starting engine...

Set...

Napatingin naman ako sa gilid kung saan nakapwesto ang mga manunuod.

What the? Ang landi naman ng babaeng 'yon. Nung una ex ko ang kalandian, ngayon naman si Aedan? Gravity! Nagtatawanan pa sila. Ibang klase!

Bigla silang nawala sa paningin ko ng may humarang sa bintana ko.

*Tok tok*

"Problema nito?" Binaba ko yung bintana ng kotse ko.

"Oh bakit?"

"Ah kasi ma'am. Kanina pa simula yung game."

Ano daw? Doon ko lang napansin na nakatingin na yung mga tao sa direksyon ko, at mas nakakagulantang, wala na yung kotse ng kalaban ko sa tabi ko.

"Aish!" Pinaharurot ko na yung sasakyan ko.

---

"Second place, Ms. Eris Akia Corrs. Wow! First time nangyari 'to." Sabi nung announcer ng makarating akong finish line.

"Aish! Nakakainis! Nakakahiya! Bwisit! Bwisit!" Sabay palo sa manubela ko. Kaasar lang!

Hindi naman sa hindi ako sanay matalo ah, well first time kong matalo, pero ang nakakahiya ay yung nagmukha akong tanga kanina. Nakakaasar lang.

*tok tok* tiningnan ko naman yung kumatok sa bintana ko.

"Teka! Pamilyar 'tong lalaking 'to."

Tch! Wala akong paki-elam kung sino siya.

*Tok tok*

"Ang kulit!"

Eris! Kaya mo yan! madali lang namang lumabas. Stand Straight, Chin up, smile and be sports.

"Aish! Ang hirap!" Napaub-ob na lang ako sa manubela. Ang sakit matalo. Leche.

*Tok tok* Napatunghay naman ako. Ang kulit din ng lalaking 'to.

Padabog akong lumabas ng pinto. Dedma na lang as tingin nung mga tao.

Tiningnan ko naman yung lalaki, saan ko nga ba 'to nakita?

"Hi Noona! Ako si Clix Stewart." Clix Stewart? Parang nabasa ko na 'yong pangalang 'yon. "Ako yung nakatalo sa 'yo." Sabay ngiti niya ng malapad.

=______=+++ Paslangin ko 'to eh.

Clix Stewart. Tch! Siya yung challenger! Aish! Nakaka-asar!

Tiningnan ko lang siya ng masama.

"Nice panalo ah!" Napalingon naman kami dun sa nagsalita.

Dalawang lalaki na super lapad ng ngiti ang papunta sa direksyon namin.

"Hyung! Brae!" Kaway namang nung Clix. Isip bata =_=

Kaya pala pamilyar 'tong Clix na 'to. Siya yung kasama ni Aedan at yung isa naman ay yung Brae.

Lord! Bakit sila pa! Bakit kaibigan niya pa ang nakatalo sa akin! Why oh why? OTL

"Hindi ko akalaing ganun ka nadistract sa ginawa ko sa 'yo kahapon." Sabi ni Aedan wearing his winning smile ng makarating sila sa pwesto namin.

"Pinagsasabi mo?" Pagtataray ko sa kanya sabay cross arms.Patay malisya lang.

"Yung ki-----Ummpp----Pwe! Ano ba?" Tinakpan ko 'yong bibig niya bago pa n'ya maituloy yung salitang 'yon. Mabilis din naman niyang inalis yung kamay ko, at parang diring diri siya sa ginawa ko.

"Hoy mister! Asa ka naman na 'yon ang nakadistract sa akin!" Sabay irap sa kanya.

"Huh? Eh di ano?" Tanong naman nung Brae.

Then, naalala ko 'yong nangyari kanina. Bwisit na mga 'to.

"Wala na kayo dun... Oh iyo na!" Inabot ko naman kay Clix yung susi ng sasakyan ko.

Kahit naman na maldita ko, may pagkasports naman ako. Pero ang problema ay yung maglalakad ako pa-uwi. Aish! Bakit kasi ngayon pa wala si kuya! Naman eh!

Tumingin naman si Clix kay Aedan, parang hinihintay n'ya kung may sasabihin pa 'to.

"Ikaw ang bahala kung kukunin mo 'yan. Sa 'yo na naman 'yan." Tapos tumingin siya sa akin. "Bukas mo na lang ibigay yung para sa akin, at maghanda ka na bukas."

Naguluhan naman ako sa pinagsasabi niya.

"Teka teka! Pinagsasabi mo d'yan? Anong iyo? Lumaban ka din?" Sabi ko sabay irap. Lakas din eh!

"As expected." Sabay tawa niya. "Basa basa din pag may time." Tumalikod na siya at naglakad.

"Ano daw?"

"Yung conditions, basahin mo para malaman mo 'yong mga sinasabi niya." Sabi nung brae. "Tara na Clix." Sumunod na siya kay Aedan.

"Sige Noona. Sa 'yo muna yang sasakyan mo. Mukhang wala ka kasing magagamit pag-uwi. Bukas ko na lang kunin. Bye." Sabi nung Clix at sumunod na siya dun sa dalawa.

Teka? Pinagsasabi ng mga 'yon. Naguguluhan na ako ah!

Game 7

Date: July 23, 2015; Wednesday

Time: 12:32 PM

"Grabe! Hindi ko inaakalang mangyayari sa akin ang bagay na 'to." Sabay uob ko sa may study table ko.

Bakit naman kasi nangyayari 'to! Ito po ba yung paruso niyo sa akin Lord! Kasalanan ko din naman kasi. Hindi ako nagbabasa, pwede naman kasing tanggihan. Nakakainis naman kasi. Ganito kasi yung nakasulat dun sa conditions nila:

Challenger: Clix Stewart

Game: 26

Wins: 23 Lose: 0 Draw: 3

Date of the Game: July, 22 2015 ; Tuesday

Place: VIP Stadium

Conditions:

1. Ibabalik mo ang sasakyan ni Prince Aedan Smith, kasama ang sasakyan mo ;)

2. Magiging katulong ka ni Prince Aedan Smith simula bukas hanggang October 26, 2015. Ibig sabihin sa bahay ka niya maninirahan.

3. At higit sa lahat, hindi ka makakasali sa kahit anong underground battle habang nagsisilbi ka kay Prince Aedan Smith, unless pahintulutan ka niya.

Clix Stewart :D

Kainis naman eh! Tapos pinagpapadyak ko ang paa ko na nasa ilalim ng mesa.

"Tama!" Saka ako tumunghay. "Isipin ko na lang ang mga magagandang maidudulot nito sa akin."

Isip...

=___=+++ Wala! Wala talaga itong magandang maidudulot sa akin.

"Mukhang kailanganin ko 'tong tanggapin ng may dignidad!...Poor me! Ajujujuju!"

(//o//)

---

Date: July 23, 2015; Wednesday

Time: 2:00 PM

Nandito na ako sa labas ng gate ng school. Hindi kasi makadaan ang maseksi kong kotse. Napag-isipan ko na ding pumasok kesa mag mukmok kakaisip sa pagkatalo ko.

"Ano na namang meron dito?" Lumabas ako ng sasakyan.

Ang daming babaeng estudyante sa harapan ng maseksing school ko. Mukhang sa ibang school galing ang mga 'to. At dahil ako ang may-ari, hindi ako papayag na may ganitong kaguluhan sa labas ko.

Lumapit ako sa kanila. Nang makalapit ako kumulbit ako ng isang estudyante.

Tiningnan niya ako ng may kasamang pagtaas ng isang kilay.

"Excuse me? Nakaharang kayo sa harapan ng maseksing gate ng school KO. Alam niyo bang bawal magrally dito." Pagtataray kong sabi sa kanila.

Tinitigan niya lang ako, tapos ngumiti siya.

"Girls! I found her!" Pagkatapos niyang sabihin 'yon, naglingunan naman yung mga babae sa amin.

"Siya nga 'yon." Sigaw nung isa.

"Hoy! Pinagsasabi niyo?" Pagtataka ko.

Unti unti silang lumalapit sa akin.

"O-oy! Teka!" Habang pa-urong naman ako.

"Habulin siya! Siya ang mangkukulam na hinalikan ni Prince Aedan."

Nagulat naman ako sa sinabi nung babae, kaya kumaripas na ako ng takbo.

"Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Tuuuulooooooooooong!" Nilingon ko yung mga nahabol sa akin.

Siomai! Ang dami po nila! Lord! Help me!

---

Grabe! Feeling ko katapusan ko na kanina! HUH!

Kung itatanong niyo kung anong nangyari sa akin kanina, ayun natakasan ko sila! Kahit naman maikli ang legs ko mabilis akong tumakbo at syempre ang technique na ginamit ko ay ang magsuot sa eskinita. Sa dami ba naman nilang 'yon, ewan ko na lang kung maabutan pa nila ako.

Pero yung sasakyan ko, nandoon sa unahan! Aish! Mamaya ko na lang babalikan. Nandito pala ako sa may likod ng school, dito na lang ako sa may bakod liliban. =__=+++ Sino ba naman kasi ang naka-isip na isang gate lang ang school na ito. Gravity!

Buti na lang mababa yung bakod. Mga kasing height ko! XD

Umakyat ako dun sa puno para mas madali akong makaliban. Makakaliban na sana ako ng ayos ng may biglang ng gulat sa akin.

"Huy! Anong ginagawa mo!"

"Kyaaaaaaaaaaaaaaaa-----*boink*----Aray ko po!"

"Noona okay ka lang?" Tinulungan naman akong tumayo nung nagsalita.

"YAH! SIRA KA BA? BAKIT KA NG GUGULAT!" Tiningnan ko naman ng masama yung tao--- "IKAW! Anong ginagawa mo dito?"

"Hi noona!" Tama kayo si Clix nga yung nanggulat. Sira lang eh.

"Eto oh." May inabot naman siya sa akin papel.

"Ano 'to?" Kinuha ko naman yung inabot niya.

"Registration form! Dito na kami mag-aaral."

"What? Seryoso ka?" Tumgango tango namn siya.

"Aish! Bahala kayo sa buhay niyo." Ibinalik ko na sa kanya yung reg. form niya at tinalikuran na siya.

Makapunta na lang ng room.

"Teka! Hintayin mo ako noona!"

---

Bwisit talaga! Kaklase ko pala 'tong Clix na 'to pati daw yung Brae kaklase ko din. Pero buti na lang si Aedan ay hindi, sa ibang building kasi siya.

"Noona~" Wag mo na siyang pansinin Eris.

"Nooooooonaaa~"

=___=+++ Lakas din ng sapak nito.

"Nooooooonaaaaa-----"

"YAH! Problema mo?"

"Miss. Eris! Get out of this room!" Shit! napalakas pala.

"But ma'am! eto----"

"No buts. Get out!"

=___=+++ Tiningnan ko muna ng masama si Clix bago tuluyang umalis ng room. Gagong yun, patay malisya lang.

Nakakainis naman kasi!

Maka-uwi na nga lang----

"Noona wait!"

Ayan na naman po siya!

Isa...

Dalawa...

Biglang may humawak sa braso ko.

"Noona wag mo ng balakin pang tumakbo." Sabi ni Clix.

Inalis ko naman yung kamay niya sa braso ko.

"Hoy! Problema mo? Wag mo nga akong kausapin! Nang dahil sayo na palabas ako ng room!" Sabay siring ko sa kanya.

"Sorry na noona. Ikaw naman kasi tinatawag kita, hindi ka nalingon. Gusto ko lang naman sanang sabihin na mag-cut na tayo ng klase. Ang boring ng klaseng 'yon." Tapos nag pout siya.

Waaaah! Aegyo!

Aish! Ano bang sinasabi ko? Pero cute naman talaga siya lalo na pag nangiti. >.< Nagiging pusa kasi siya. HAHAHA. Basta cute siya. *o*

"Noona! Okay ka lang?"

"Eh?" Natanga naman ako sa tanong niya.

"Wala. Alam ko naman na pinatatawad mo na ko. Tara na ang kumain. Nagugutom na ako!" Hinila niya nga ako papuntang cafeteria.

Nakahanap naman kami agad ng table.

"Noona! Ako na ang bibili! Dito ka lang. Libre ko." Nagtungo na siya doon sa counter.

Ano pa nga bang gagawin ko? Syempre maghihintay ako dito. Libre daw ih! HOHOHOHO! *0*

"Si Clix yun diba!" Rinig kong sabi nung nasa likod ko.

"Oo nga, bakit kasama niya si Ms. Eris? Nung isang araw hinalikan lang siya ni Prince Aedan." sabbi pa nung isa.

"Ano ka ba? Malay mo, may tinatagong landi din 'yan, balita ko kasi braek na sila nung Xander."

=____=+++ Seryoso! Ang lakas nung bulungan nila.

Nilingon ko yung dalwang chismoso. "Yah!" Nakita ko namang nagulat sila. "Kung pag-uusapan niyo ako, siguraduhin niyong wala ako sa paligid. Okay?" Tumango tango naman sila.

Tch! Mga issue maker! Gilitan ko sila eh!

"Noona! Eto na yung Ice Cream... Teka? May problema ba? Bakit kunot na naman ang noo mo?" tanong ni Clix ng maka-upo siya.

"Wala. Teka! Akala ko gutom ka? Bakit Ice Cream ang binili mo?"

"Paborito ko kasi 'to." Tapos ngumiti siya sa akin.

"Awe! Ang cute mo naman!"

O___O Nagulat naman siya sa sinabi ko at biglang namula.

"E-eh?"

"Oh bakit?"

"Wala. hehehe." Tinuloy na niya yung pagkain nung ice cream.

Kinain ko na din 'yong ice cream ko. Sa tingin ko, may benefits din yung nangyaring pagkatalo ko. Mukhang magkakaroon ako ng kaibigan.

---

Siguro mga 30 minutes din kaming nagkwentuhan ni Clix. Ang dami ko ngang tawa eh, ang dami niyang joke at mga kwentong nakakatawa. Marami din akong nalaman tungkol sa kanilang tatlo, simula grade school, magkakaibigan na pala sila. At half korean pala si Clix, kaya noona ang tawag niya sa akin.

*Tired of being alone

Sick of being a single,

I think you need to give me a girl---

May tumawag sa cellphone ni clix.

"Hyung bakit?...Ah! oo kasama ko siya.." Tumingin naman siya sa akin at ngumiti.

Sino kaya yung ka-usap niya?

"Nasa cafeteria kame... Okay. Bye!"

"Sino 'yon?" Tanong ko.

"Ah, si hyung! Si Aedan!... Yan na pala sila eh!"

Tiningnan ko naman yung kinakawayan niya.

Aish! Si Aedan kasama yung Brae. Panira nang mood.

"Hi!" Bati sa akin ni Brae ng makarating sa table namin.

Ngumiti naman ako sa kanya.

"Akala ko busy ka? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Clix kay Brae.

"Wala ka na doon."

Tiningnan ko naman yung Aedan. Nakatingin din siya sa akin.

"Problema?" Mataray kong tanong.

"Tch." Bigla niyang kinuha yung kamay ko.

"Hoy! Teka! Bitawan mo nga ako." Pilit kong tinatagtag 'yong kamay niya sa akin pero wala, matindi ang kapit.

"Oy! Teka hyung! Yung kotse ko muna." Tumingin si Clix sa akin. "Noona, yung susi nung kotse mo? Hehehe."

Oo nga pala! Yung kotse ko!

"Sige, pero kasi----"

"Bilisan mo na nga. Ibigay mo na 'yong susi!" Sigaw nung Aedan. Gravity! Yung attention ng mga tao, nasa amin na.

"Duh! Bitawan mo kaya yung kamay ko, para mabilis kong makuha yung susi." Binitawan naman niya.

Kinuha ko na yung susi at inabot kay Clix.

"Salamat noona."

"Yeah, pero yung kotse ko kasi nasa labas ng campus. Hanapin mo na lang."

"Eh?" -Clix

"Ka---"

"Tara na nga... Hanapin mo na lang 'yon Clix. Patulong ka d'yan kay Brae." At kinaladkad na ako palabas nitong bakulaw na 'to.

"Yah! Wag mo nga akong kaladkarin! Madapa pa ako!" Sigaw ko habang patuloy pa rin ang pagkaladkad niya.

"Ang tanga mo naman kung madadapa ka pa."

=___=+++

"Whatever!" Pinabayaan ko na lang na kaladkarin niya ako.

Nakarating kami sa Parking Area kung nasaan nakapark ang car niya.

Oooh! Bagong car.

"Hoy! Ano pang tinatanga mo diyan! Sakay na." Sabi niya. Hindi ko napandin na bukas na yung passenger seat.

"At bakit naman ako sasakay d'yan?" Mataray kong tanong.

"Sasakay ka ng kusa o ako mismo ang magpapasok sayo sa loob."

Natakot naman ako sa tono ng pagsasalita niya at sa nakakamatay niyang tingin.

"he-he-he! Sasakay na nga eh." Pumasok na ako sa loob ng kotse. Sinarado niya yung pinto at sumakay na sa Driver's seat saka pina-andar ang kotse.

Nakatakot naman 'tong Aedan na ito. Parang mangangain ng tao, grabe makatingin. Aigooo!

5 minutes of silence.

Gravity! Hindi ko na matake ang katahimikan at kyuryosidad! Daan ba ako dadalhin ng lalaking 'to.

"Hoy! Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Manahimik ka diyan."

=___=+++ Kfine!

Asar na 'to! Rawr!

---

After 15 minutes na byahe tumigil kami sa tapat ng isang black and white na bahay.

Kanino naman kayang bahay 'to?

"Baba." Napatingin naman ako kay Aedan.

"Ang sabi ko bumaba ka. Buksan mo 'yong gate." May hinagis naman siyang susi sa akin.

=___=+++

"Hoy! Teka-----Fine! lalabas na!"

Lumabas na ako ng kotse niya at binuksan 'yong gate. Grabe yung tingin niyang 'yon. Nakakatakot! =0=

Ipinasok na niya 'yong kotse tapos lumabas na s'ya.

Pagkalabas niya, tiningnan naman niya ako.

"Ano pang tinatayo mo d'yan. Isara mo na 'yong gate at sumunod ka sa loob."

=___=+++ Maka-utos naman! Hiyang hiya naman ako!

Padabog kong sinara 'yong gate. Saka dumiretso sa loob.

Hinanap ko naman si Aedan at natagpuan ko siya sa kusina. Nainong ng tubig. Paano ko nahanap? Simple lang, hindi naman kasi ganun kalaki yung bahay. 2 floors lang naman pero maliit lang 'yung space. Parang yung mga bahay sa subdivision.

Nilapitan ko siya.

"Anong ginagawa ko dito?" Ibinaba niya yung baso at tiningnan ako.

"Hind ka ba talaga nagbabasa? Di ba-----"

"What? Don't tell me ngayon na talaga ako magsisimula sa pagiging ka.. Katulong ko sayo?" Napasinghap naman ako dun sa word na katulong.

"Seryoso ako doon." Seryoso siyang nakatingin sa akin.

Mukhang seryoso nga siya.

"Fine! Pero pwede muna siguro akong umuwi para kuhanin yung mga gamit ko."

"Wag na. Nandito na lahat ng kailangan mo."

"Eh? Paano nangyari 'yon."

"Mayaman ako." Binigyan ko naman siya ng kadudadudang tingin.

Mayaman? Eh mas malaki pa nga bahay ko sa bahay niya eh.

"Wala na akong paki-elam kung ayaw mong maniwala... Oh basahin mo." May inabot naman siyang papel. "Nasa right side ang kwarto mo, may sarili ng banyo. Nasa kaliwa naman yung akin. Wag na wag kang papasok doon ng walang pahintulot."

"Kfine!" Mataray kong sabi.

"Tss." Tapos umalis na siya sa kusina.

May goodness! Ganun na lang 'yon Eris? Basta mo na lang tinanggap na magiging katulong ka nung bakulaw na 'yon.

Like duh! Ano pa bang magagawa ko. Mapatay pa ako ng tingin niya pag di ako sumunod, ayoko ngang paglamayan ako ng maaga.

Tiningnan ko naman yung binigay niyang papel.

Do's and Don't's

"Woah! Ang arte naman ng lalaking 'yon!"

Do's

1. Magluluto-Breakfast, Lunch and Dinner

2. Maglilinis ng bahay

3. Maglalaba

Basta yung ginagawa ng katulong. Common Sense.

"Aish! Grabe lang ah! Gawin ba daw talaga akong instant katulong!"

Don't's

1. Underground Battle

2. Bawal malate ng uwi. Curfew 8 pm

Note: Sundin mo lahat ng utos ko.

"What? Daig pa niya si momskie! Grabe!"

Seryoso ba talaga ako sa gagawin kong 'to. Sabihin ko kaya kay mom? :D As if naman may paki-elam siya =0=

Bahala na nga. Kasalanan ko din naman 'to.

OTL

Game 8

Date: July 24, 2015 ; Thursday

*Bang* *Bang* *Bang*

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH! Asan ang sunog?!" Napabangon ako mula sa mahimbing na pagkakatulog ko dahil sa malakas na kalembang.

"Hoy anong oras na? Wala ka talagang balak gumising?" Napatingin naman ako dun sa nagsalita.

Nakita ko ang isang Aedan na may hawak na dalawang taklob ng kaserola.

=___=+++ So s'ya yung nambulabog sa pagtulog ko.

"Hoy! Problema mo? Bastos ka ah! Natutulog 'yong tao, tapos gigisingin mo sa ganyang way!" Asar na sabi ko.

Natawa naman siya tapos tiningnan ako ng masama.

"Hoy babae! Baka nakakalimutan mo na katulong kita dito! Binigay ko na 'yo yung mga gagawin diba. Umayos ka."

=___= oo nga pala! Aish! Badtrip!

"Fine! Pero pwede naman siguro akong mag-ayos muna bago magluto diba?"

"Bahala ka. 5 minutes wala ka pa sa baba. Ako mismo ang kakaladkad sa 'yo pababa." Saka siya umalis ng kwarto ko.

"Grabe! 5 minutes? Ano ako si Flash?" Syempre kesa magreklamo ako, nagmadali na ako. Alam niyo na baka nga totohanin niya yung pagkaladkad sa akin.

---

Nandito na ako sa kusina, nung bumaba ako kanina, wala naman siya sa baba. Nananakot lang talaga yung lalaking 'yon.

Nagsimula na akong magluto. Sa totoo niyan, first time kong magluto. Like duh! Sa yaman kong 'to, eh di syempre mayaman ako! Pero sa tingin ko marunong naman ako magluto, tinitingnan ko naman kung paano sila magluto.

Kaya para siguradong ayos ang unang luto ko, Scrambled Egg at Bacon ang menu ko.

15 minutes at natapos ko na yung niluluto ko.

"Matawagan na si---speaking of." Pabulong kong sabi ng pumasok si Aedan sa kusina. Naka-uniform na siya, yung uniform ng school ko. Totoo nga na dun siya papasok! Tch!

Nakarating siya sa mesa at umupo saka tiningnan 'yong mga niluto ko.

"Ano 'to?" Turo niya dun sa Bacon.

"Bacon." nakangiting sabi ko.

"Bakit ganito ang itsura?"

"Ah kasi may toyo 'yan. he-he-he" Sabi ko pero ang totoo niyan nasunog yung Bacon kaya nagkulay black. XD Sayang naman kung itatapon ko. Kahit mayaman ako hindi ako nag-aaksaya ng food.

"Tss. Niloko mo! Ayoko niyan! Ikamatay ko pa 'yan." Sabi niya saka tumingin dun sa itlog. "Eto na lang ang kakainin ko, mukhang matino 'to."

"Grabe ka! Tikman mo kaya! Malay mo masarap!" Sobra 'to!

"Eh di ikaw ang kumain niyang sunog."

"Hmph! Whatever."

Sinimulan na niyang hiwain yung itlog.

Itlog! ikaw na lang ang pag-asa ko. XD

Nakatingin lang ako sa kanya habang sinusubo niya yung itlog.

At ang reaksyon niya.

"*Bwak* Pwe!"

"YUCK! How dare you! Isinubo mo na tapos ibinalik mo pa sa plato! Kadiri ka!" Grabe siya! As in pagkasubo niya tapos 3 seconds lang ata 'yon iniluwa na niya kinain niya sa plato. Gross!

"Sira ka ba? Sa tingin mo ba malulunok ko 'yan. Pagkain bang matatawag 'yan." inis na sabi niya sa akin.

"Sobra ka naman! Pinaghirapan ko 'yan!"

"Eh di kainin mo." Tumayo na siya. Pero bago siya umalis may sinabi siya.

"Mag-enroll ka sa isang cooking class. Pagkatapos ng isang linggo at hindi ka pa marunong magluto, patay ka sa akin."

(__ __) Hindi ko inaasahang ganito para kahirap maging katulong ng isang prinsipeng bakulaw.

Tiningnan ko naman 'yong itlog.

"Mukha naman siyang masarap ah." Pumingot ako ng part dun sa itlog malayo sa niluwaan ni Aedan tapos sinubo ko.

=__=

"*Bwak* Mukha nga lang masarap. Pwe!"

Fact: Ang itlog na niluto ko ay parang si Aedan! Looks Can be DECEIVING. Akala mo mabait 'yon pala bakulaw. GRRR!

---

Aedan's View

"So hyung! Kamusta naman ang first night and first morning mo with noona?" tanong ni Clix.

Pagkatapos kong tikman ang niluto nung babaeng 'yon umalis na ako ng bahay at dumeretso ng Club House ni Brae. Napagplanuhan naming wag na munang pumasok.

"Mukhang hindi maganda, kita naman sa mukha niya." Sabi ni Brae habang natatawa.

"Tch! Wala siyang kwenta. Hindi marunong magluto!" Asar na sabi ko ng maalala ko na naman yung pinakain niya sa akin.

"Kasalanan mo din naman hyung. Mayamang tao si noona tapos gagawin mong katulong." Pailing iling na sabi ni Clix.

"Kanino ka ba kakampi?" Saka ko siya tiningnan ng masama.

"Siyempre sa 'yo pa din. Hehehe!" -Clix

"Tch!"

"Bakit kasi sa dami ng pwedeng gawin sa kanya, pagiging katulong pa ang na-isip mo. Tapusin mo na lang para patas na kayo. 'yon lang naman ang gusto mo diba? Ang magantihan si Karl." -Brae

"Hindi tayo tulad ng mga 'yon. Hindi tayo pumapatay." Seryoso kong sabi.

"Oo nga! Loko ka talaga Brae! Mabait naman si noona, iba siya sa mga kamag-anak niya!" -Clix

"Nagbibiro lang. Ano ba talaga kasi ang plano mo? Mukhang walang alam si Karl na nasa 'yo nakatira si Eris." -Brae

"Ang gusto ko lang naman ay makaramdam siya ng takot kapag nalaman niyang maaaring mawala ang mga taong mahalaga sa kanya. Isa na dun ay ang kaptid niya, si Eris Akia Corrs."

Tumango naman sila sa sinabi ko.

Humanda sila, simula na ngayon ng paniningil.

Game 9

Date: July 30, 2015 ; Wednesday

Time:

Dahil sa hindi masarap 'yong luto ko nung nakaraan, nag-enroll ako sa isang cooking class! Nakakahiya naman kasi sa PRINSIPE! Pero hindi pala siya madali sa ina-akala ko, ang mga tinuturo sa amin ay 'yong mahihirap lutuin, yung mga kakaiba ang pangalan. Ang gusto ko lang naman ay matutunan 'yong simpleng lutuin. Well. pabayaan na, nandito na rin ako, ituloy ko na. HIHIHI!

Pero may natuklasan ako about kay Aedan! BWAHAHAHAHA!

Fun Fact 101: Takot siya sa GAGAMBA! Litsi! XD

Maseksing Flashback...

Date: July 27, 2015; Sunday

Time: 8:16 AM

"Ang boring naman dito! Walang magawa!"

Dapat pala hindi ko na tinapos 'yong gawaing bahay kahapon, wala tuloy akong magawa ngayon. Tama kayo! Ni-Career ko na ang pagiging katulong, kaysa masigawan pa ako ng bakulaw na 'yon.

At ngayon ay tahimik akong nanunuod ng TV. Hindi ko alam kung nasaan si MR. Bakula---

"AAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!"

"Ay kabayo! Sino 'yon?" Nagulantang ako ng may napakinig akong sigaw mula sa taas.

"Teka? Si Aedan ba 'yon." Dali dali naman kong umakyat sa taas at hinanap si Aedan.

Napansing kong bukas 'yong banyo sa 2nd Floor. Sinilip ko 'yong loob ng banyo.

Nakita ko doon ang isang Aedan na nakatayo sa bowl at nagmumura.

"Shit! Shit!"

"Hoy! Problema mo? Bakit ka sumisigaw?" Nagulat naman siya ng makita ako.

"Dahil nun." Sinundan ko naman 'yong tinuturo niya.

"Pffft! GAGAMBA? Bwahahahahahha! Takot ka sa gagamba? Bwahahahaha." 'yon na siguro ang nakakatawang nalaman ko.

"Hoy! Wag mo nga akong tawanan! Patayin mo na lang! Shit! Nagapang na siya uli! Patayin mo!" Kita ko sa mukha niya ang pagkataranta.

"Pfftt. o-okay! Papatayin ko na." Sabi ko habang natatawa pa din.

Hinubad ko yung slipper ko saka pinalo yung kawawang gagamba.

Sorry ah, takot si Aedan sayo, Baka kapag hindi kita pinatay siya yung atakihin sa puso.

"Patay na siya." Nilimot ko naman 'yong gagamba at pinakita sa kanya.

"Si-sigurado ka?" Pffft! Para siyang tanga!

"Oo. Tingnan mo!" Inilapit ko sa kanya 'yong gagamba. Madali din naman niyang tinabig 'yong kamay ko.

"Sira ka ba! Itapon mo na nga 'yan!"

"Okay sir!" Tinapon ko na 'yong gagamba.

Nakababa na si Aedan mula sa pagkakatungtong niya sa bowl.

Tiningnan ko naman siya at napailing.

"Problema mo?"

"Pfftt! Garabe! Hindi ko akalain na ang isang masungit at leader na tulod mo ay takot sa isang... pffttt! Gagamba! Panis man!" Sabi ko habang nagpipigil ng tawa.

"Hoy! Subukan mo lang na sabihin sa iba ang tungkol dito. Patay ka sa akin."

"Wag kang mag-alala, your secret is safe with me." Sabay kindat ko sa kanya. ;)

"Tch! Lumabas ka na nga!" Saka niya ako tinulak sa labas at pinagsaraduhan ng pinto.

kahit ang tulad niyang maangas, may kinatatakutan din. Pfftt! >0<

End ng Maseksing Flashback

Nakakatawa talaga 'yon. XDD

Nandito pala ako sa may cafeteria, hinihintay sina Brae at Clix. Kakatapos ko lang sa cooking class ko, sabi nila hintayin ko daw sila dito kasi may ibibigay sila.

Ano naman kaya.

"Noona!" Hinanap ko naman 'yong sumigaw.

Si Clix, kasama niya si Brae. Ang taas talaga ng energy nun. Kung si Clix maingay, Si Brae, tahimik. Ngingiti-ngiti lang minsan. Pa-mysterious effect! Pero mukhang mabait naman.

"Hi noona! Kanina ka pa ba dito?" Tanong ni Clix ng maka-upo. Kaharap ko silang dalwa.

Brae-Clix

MESA

Ako

"Hindi naman. Teka ano bang ibibigay niyo?"

May inabot na nakatuping papel sa akin si Brae.

"Long Quiz natin yan sa Math, ibinalik na ni Ma'am 'yong papel." Agad ko namang hinablot 'yong papel sa kanya.

"Teka! Tiningnan niyo ba 'to?" Saka ko sila tiningnan ng may pagdududa.

Umiling naman sila.

(~~,)---> (^_^)(^^,)

Dahan dahan ko namang tiningnan 'yong papel ko.

(__ __)

"Anong resulta? Pasado ba?" Tanong ni Clix saka siya tumabi sa akin para tingnan 'yong papel ko.

"Oooh! 38/100, 63%. Hala! BAGSAK KA NOONA!" Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Sige! Isigaw mo pa!" Napa-ubob naman ako.

Bagsak ako! Grabe! Quiz na nga lang, bagsak pa. Paano pa ang major exams? OTL

"Sorry na. Hehehe. Okay lang 'yan! Pareho naman tayo." Napatunghay naman ako sa sinabi ni Clix.

"Talaga?"

"Oo. 63% ako. Parehas lang!" Nakangiti niyang sabi.

Wow! Proud pa siyang parehas kami! Ibang klase!

"Ipinagmalaki mo pa talaga." Sabi naman ni Brae.

"Ang yabang mo! Porke't pasa ka."

"Talaga?" Napatingin naman ako kay Brae. "Anong Grade mo?"

"75%" Nakangiti niyang sabi.

=___=+++

"Pasa nga! Pasang-awa!" Sabi ko

"At least pasa. Hindi tulad niyong dalawa bagsak."

=___=+++ Clix at ako

"Whatever! Kailangan ko tuloy magpaturo! Lintek na X and Y yan. Wala namang pera na ang value ay X at Y. Aish!" Napasabunot naman ako sa buhok ko.

"AHA! Alam ko na kung sino ang makakatulong sa atin!" -Clix

"Sino naman?" Tanong ko.

"Si hyung!"

"Si Aedan?"

"yeah!" -Clix

"Asa ka namang turuan niya tayo." -Brae

"'yon nga lang. Wala naman siyang paki-elam kung bagsak tayo." Napabuntong hininga na lang silang dalawa.

"Wag kayong mag-alala. Tuturuan niya tayo, wether he like it or not. Ako na ang bahala doon." Sabi ko habang nakangiti.

Tiningnan naman nila ako na parang nagtataka.

---

Nandito kami ngayon sa Clubhouse ni Brae. SOSYAL! XD Maganda 'yong clubhouse, tambayan talaga. May TV, X-box at counter para sa mga pagkain. Makapagpagawa nga din ng ganito :D

Bakit nga pala kami nandito? Dahil ni Aedan, nandito daw siya.

"Bakit ngayon lang kayo?" Tanong ni Aedan ng makapasok kami. Napansin naman niya agad ako. "Bakit niyo kasama ang babaeng 'yan?"

Napa-roll eyes na lang ako. Bakit ba ang init ng dugo ng lalaking 'to? Araw araw na lang. Pinaglihi ata sa sama ng loob.

"Bakit? Kaklase namin siya. Anong masama doon?" Sabi ni Brae tapos dumiretso siya doon sa may counter kung saan nakalagay yung mga food and drinks.

"Oooh! Patay ka sa may-ari!" Sabi naman ni Clix saka ako hinila papunta doon sa sofa.

TV

Mesa

Aedan-Ako-Clix-Brae

"Tch!" -Aedan

"Eris, tikman mo 'tong cake. Gawa 'yan ng mom ko." Sabi ni Brae saka niya nilapag 'yong cake sa mesa at binigyan ako ng ngiti.

Ang gwapo! >.< Gwapo so Brae lalo na pagnangiti! Aigooo!

Umupo naman siya sa tabi Clix.

"Hehehe. Salamat."

"Tch!" Napatingin naman ako sa katabi ko.

Problema nito? Bahala siya.

"Oo nga pala hyung! May sasabihin sayo si Noona."

"Teka? Anong ako?" Sinamaan ko ng tingin si Clix.

"Ano ka ba noona sabi mo ikaw ang bahala." Bulong naman niya.

Aish!

Nilingon ko naman si Aedan at nginitian.

Tiningnan niya langa ko ng seryoso.

'Ang gwapo niya talaga pagseryoso---Eh ano bang sinasabi ko?'

"Ehem! Ano kasi...Ahm...Kasi---"

"Noona bilisan mo. Sabihin mo na." Bulong ni Clix.

Siniko ko naman siya. Bwisit na 'to, ang hirap kaya humingi ng tulong sa bakulaw na 'to.

"Ano bang sasabihin mo?" Ayan na nga po naiinip na siya.

"Kasi gusto naman sanang humingi ng tulong sa 'yo." Sabi ko.

"Tulong?"

"Oo hyung! Turuan mo naman kami sa Math, bagsak kasi kami ni Noona eh. Tapos si Brae pasang awa." Binatukan ko naman si Clix.

"Aray ko naman! Bakit mo ako binatukan?" Sabi niya habang hinihimas yung part na binatukan ko.

"Yah! Hindi mo na naman kailangang sabihing bagsak tayo." Nagpout na lang si Clix.

"Bakit ko naman kayo tutulungan?" Tanong ni Aedan.

Leche 'to, balak pa atang hindi kami turuan. =__=

"Simple lang, kasi kaibigan mo kami." Sabi ni Brae.

Napatingin naman si Aedan kay Clix at Brae at tumango tango siya, saka niya naman ako tiningnan.

Binigyan naman niya ako ng Paano-ka-hindi-naman-kita-kaibigan-look.

=___=+++ Akala mo ah!

"Fine! Hindi mo nga ako kaibigan, pero may alam akong hindi nila alam." Saka ako nagsmirk sa kanya.

Nabigla naman siya sa sinabi ko.

Gotcha!

"Oy! Ano yung hindi namin alam?" -CLix

Binigyan naman ni Brae ng kaduda-dudang tingin si Aedan.

"Tch! Oo na! Tuturuan ko na kayo."

Nagkatinginan naman kami ni Clix! At nagdiwang!

"Yehey! Papasa na tayo!" -Clix

"Oo nga!" -Ako

"Mukhang nahuli ka dun ah." Rinig kong sinabi ni Brae kay Aedan habang natatawa.

"Tch!" -Aedan

Naputol naman ang pagdiriwang namin ng tumunog ang cellphone ni Brae.

"Excuse lang." Tumayo siya para sagutin 'yong tawag.

"Hyung! Kailan mo kami pwedeng turuan?" Tanong ni Clix

"Kayo na ang bahala." Sabi niya ng nakasimangot.

"Alam ko na sa weekends na lang, sa bahay nina Aedan!" Sabi ko.

"Sige! Maganda nga 'yon!" -Clix

"Tch!"

"Aedan." Napalingon naman kaming tatlo kay Brae

"Bakit?" Seryosong tanong ni Aedan.

"May problema?" Saka naman tumingin sa akin si Brae.

Problema? Sa akin? EEEHH? ?o?

"Ganun ba?" Tumayo si Aedan. "Clix, ihatid mo si Eris sa bahay. Samahan mo siya, wag mo siyang iiwan dun ng mag-isa hanggang hindi pa ako dumarating."

"Sige hyung! Ako na ang bahala kay Noona." Saka sumaludo si Clix kay Aedan.

Tumango naman siya. "Tara na Brae." Lumabas na silang dalawa ng Clubhouse.

"Ano kayang problema?" Tiningnan ko naman si Clix. Pero nag-shrug lang siya.

"Wag mo na lang isipin 'yon. Monkey business lang 'yon. Tara na, ihahatid na kita." Tumango na lang ako.

Pero curious ako? Ano kaya 'yon? Pabayaan na nga.

Pero alam niyo natuwa ako sa sinabi ni Aedan, yung ibinilin niya ako kay Clix, yung wag daw iiwan mag-isa. >.< Ayer! Concern si Mr. Sungit! Infairness! Mabait din naman si Aedan :D


    Author

    Write something about yourself. No need to be fancy, just an overview.

    Archives

    October 2013

    Categories

    All